Biyahe ng Pag-Ibig
Uno, dos, tres.....
17.07.2010
Bakit nga ba di makuntento ang tao na mag mahal ng isa lamang. Hindi bat dapat na maging tapat sa isang tao na minamahal? Ito ang mga katanungan na tumatakbo sa aking isipan. Nuon sinabi mo siya lamang, dumating ang isang tao na di mo sinasadyang mahalin din, ngayon isa pa na iyong nakasalamuha at gusto mo ding mahalin.. uno , dos, tres...Mahal na mahal ka ni uno..pati na si dos..ngayon ang gusto mo mahalin ka din ni tres..teka, hindi ba nagiging makasarili ka na? Oh sadyang mahilig ka lang mag laro, o di kaya kulang sa pansin, o kaya kulang sa pagmamahal...nakakaawang nilalang...niloloko mo sila..niloloko mo din ang iyong sarili..masya ka ba sa ganitong paraan? Sana nahihirapan ka lang na magdesisyon kung sino ba talaga sa kanila..sana di mo sinasadya ang magmahal ng madami....
Panahon na para mag desisyon...may masasaktan at masasaktan...tama na ang kahibangan.....sino ang dapat piliin.....Now na!!!
Posted by Gimickera 04:42 Comments (1)